News Updates
Wagi ng Silver sa New York Festivals
Nanalo ng silver prize ang DZMM Radyo Patrol 630 para sa Breaking News Story category (Longform) ng nakaraang New York Festivals sa kanilang espesyal na coverage na Manila Hostage Drama.
Tinanggap noong Huwebes (June 19) nina ABS-CBN VP for Manila Radio Division Peter Musngi, DZMM Program and Production Services Manager Marah Faner Capuyan, at DZMM executive producer Nannette Quong ang naturang parangal awarding ceremonies na ginanap sa Tribeca Rooftop sa New Your City.
Napili ang DZMM para sa di matatawarang coverage nito sa naganap na hostage-taking noong 18 March 2007 kung saan isang bus na lulan ay mga estudyante sa pre-school ang hinoldap ng tatlong armadong kalalakihan.
Agad na rumispunde ang DZMM matapos unang maibalita ni Radyo Patrol reporter Armel Fernandez ang mga kaganapan, at agad na nagpadala ng iba pang reporters sa lugar na pinangyayarihan upang mangalap pa ng impormasyon.
“Di namin inaasahang sa DZMM lang pala makikipag-usap si Jun Ducat. DZMM din lang ang nagsilbing koneksyon ng mga nag-aalalang magulang ng mga bata sa mga nang-hostage,” sabi ni Musngi.
Nagsilbi din bilang tagapamagitan ang batikang anchors na sina Ted Failon at Korina Sanchez kina Jun at sa mga awtoridad—simula sa Education Department, Social Welfare Departmjent at higit sa lahat, ang National Police— para sa negosyasyon. Matapos ang sampung oras ng tension, natapos na rin ang hostage drama ng sumuko na si Ducat at pinakawalan ang mga bata bandang 7PM.
“Habang nagaganap ang hostage-taking, nanatiling maingat at naging responsible ang DZMM kaya naman naiwasan ang maari sana’y naging isang trahedya. Muli, ang DZMM ay naging totoo sa paninindigan nitong maging una sa balita at una sa public service nang walang naidudulot na pinsala o panganib sa ibang tao,” dagdah pa ni Musngi.
Bukod sa natamong silver prize, naging finalist din ang DZMM station manager-anchor na si Angelo Palmones sa Talk Show Host category sa kanyang science-oriented show na “Bago Yan, Ah!”
see the hole article, CLICK HERE>>>>

0 comments:
Post a Comment